^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Magpakita ka!’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - �Magpakita ka!�

Hindi pa naaaresto si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy pero ang isa niyang kasamahan na si Paulene Canada ay naaresto na noong Huwebes sa isang subdibisyon sa Davao City. Naganap ang pag-aresto kay Canada dalawang araw makaraang mag-alok ng pabuya ang gobyerno sa ikaaaresto ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ na pinamumunuan ni Quiboloy. Si Quiboloy ay may pabuyang P10 milyon samantalang tig-P1-milyon sa mga kasamahang sina Cresente Canada, Ingrid Ca­nada, Sylvia Camanes, Jackiely Roy at Pau­lene Ca­nada na na­aresto na nga. Si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong child prostitution, sexual abuse, human trafficking, at acts of neglect, abuse, cruelty and exploitation.

Kinukuwestiyon ng kampo ni Quiboloy ang pagbibigay ng pabuya at kung saan ito nanggaling­. Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nag-anunsiyo ng P10 milyong pa­buya kay Quiboloy at sinabing galing ito sa mga pri­badong indi­bidwal.

Pinayuhan naman ni President Ferdinand Marcos Jr. si Quiboloy na lumabas sa pinagtataguan nito. Ayon kay Marcos, dapat magpakita si Quiboloy at harapin ang mga inaakusa sa kanya. Sabi pa ng Pre­sidente walang karapatan si Quiboloy na kuwestiyunin ang pagbibigay ng pabuya. Wala rin daw ma­sama kung mag-offer ng pabuya ang mga pribadong tao sapagkat gusto nilang makatulong na mahuli ang isang pugante.

Mula nang ihayag ang milyong pisong pabuya sa ikadarakip ni Quiboloy at mga kasama, dumagsa ang tawag sa Philippine National Police (PNP) at nagsa­sabing alam nila ang kinaroroonan nina Quiboloy. Pero sabi ng PNP maingat nilang pinag-aaralan ang mga ibi­nibigay na impormasyon at baka inililigaw lamang sila.

Kasabay sa pag-aanunsyo ng pabuya ng DILG, bigla­ rin namang kumalat ang balita na nasa China­ na si Quiboloy. Pero sabi ng mga abogado nito, bini­beripika pa nila ang balita. Una naman sinabi ni dating­ President Duterte na alam niya ang kinaroroonan ni Quiboloy pero hindi niya sasabihin. Pinag-aaralan ng PNP ang mga inihayag ni Duterte sapagkat anila, obstruction of justice ito. Bilang abogado, hindi ito dapat ginawa ni Duterte. Alam naman niya siguro ang batas.

Sa mga pahayag naman ni Quiboloy na iniere sa TV, lagi niyang sinasabi na hindi siya susuko at wala rin daw siyang kasalanan. Inosente raw siya sa mga inaakusa.

Kung talagang walang kasalanan, bakit hindi siya magpakita at harapin ang mga inaakusa. Kung ino­sente, patunayan niya. Siya mismo ang magligtas sa sarili kung wala siyang nagawang pagkakamali.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with