^

PSN Opinyon

Salamat sa pagtanggap, Isabela at Tuguegarao!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Nakisaya, nakipista at nakiisa kami sa pamamahagi ng bigas sa libu-libong residente ng Isabela nitong naka­raang linggo. Nagagalak ako na nagkaroon ng pagkakataon na makilala kayo at makasama kahit sa maikling panahon.

Naging makabuluhan para sa akin ang saksihan ang pamamahagi ng Isabela local officials ng rice subsidy sa halos 7,000 PWDs, TODA members, fisherfolks, barangay­ tanods, child development workers (CDWs), barangay nutrition scholars (BNSs), barangay health workers (BHWs) at barangay population workers (BPWs) sa Ilagan, Isabela.

Ang mga bigas ay binili rin mula sa mga lokal na magsasaka sa Isabela. Naniniwala ako na tayong mga lokal na opisyal ang unang-unang dapat sumuporta sa ating local farmers at sa agricultural sector sa ating lugar.

Bukod sa Isabela, nakisali rin kami sa  Pavvurulun Afi Festival ng Tuguegarao City. Nakasalamuha ko roon ang mga Cagayano at local leaders na sina Mayor Maila Rosario Ting-Que, Cagayan Governor Manuel Mamba, Vice Mayor Bienvenido De Guzman II, at ang konseho ng lungsod.

Dumalaw ako sa naturang mga lugar sa Norte upang imbitahan sila na dalawin tayo rito sa Makati. Kung mata­tandaan ninyo ay naglunsad kami ng ????Better Makati campaign kung saan hinihimok natin ang mga LGUs to “Visit and Experience a Better Makati” at makita ang ating best practices sa iba’t ibang larangan. Asahan po ninyo na marami pa kaming lungsod at probinsyang dadalawin sa mga susunod na linggo at buwan.

* * *

Congratulations kay Dr. Elyxzur C. Ramos para sa kanyang investiture bilang ika-10 Presidente ng University of Makati.

Si Dr. Ramos, na mas kilala sa bansag na “Professor X”, ay isang huwarang lider na may hindi matatawarang dedikasyon sa edukasyon at sa tamang pagpapalaki at pagtuturo sa mga kabataang Makatizen.

Kasama ko sina Cong. Luis, Vice Mayor Monique at Cong. Kid  na dumalo sa napakahalagang okasyon na ito para sa UMak.

* * *

Eyyyyy! Finally, binuksan na nga ang pinakaaabangang  L’Oréal Digital Beauty Academy (DBA) sa Makati.

Excited na pumasok sa unang araw ng klase ang  pioneer batch ng  250 Proud Makatizens para matuto ng digital skills, beauty and make up, personality development at entrepreneurial skills. Isang buwan ang kursong ito ng ating mga kaibigan at partner sa SPARK! Philippines, L’Oréal Philippines, TikTok Philippines, at TikTok Shop.

Gusto kong batiin ang lahat ng mga kasali dito para sa kanilang tapang na yakapin ang bagong challenges na dala ng digital age. Proud kaming lahat sa inyo dahil pinatuunayan ninyo na ang Makatizens ay handang matuto at magsikap para sa mas magandang bukas.

BHWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with