^

PSN Opinyon

4-anyos na bata, nakaligtas matapos mahulog mula sa 16th floor ng gusali!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang bata sa France ang milagrong nakaligtas matapos mahulog mula sa ika-16 na palapag ng isang gusali at minor injury lang ang natamo nito!

Naganap ang insidente noong Mayo 26 sa isang high-rise apartment complex sa Aubervilliers, central France. Nasa kanyang kuwarto ang apat na taong gulang na si Enzo nang marinig ng ama nito na si Ji, na umiiyak ito. Si Enzo ay may autism kaya kahit kaunting iyak lang nito ay agad itong tinitingnan at kinakumusta ng kanyang mga magulang.

Mabilis na pinuntahan ni Ji si Enzo para patahanin ito, pero nagulat siya nang malaman na naka-lock ang kuwarto ng anak. Ayon kay Ji, ito ang unang beses na na-lock ni Enzo ang sarili sa kanyang kuwarto.

Habang sinisira ang pinto, narinig ni Ji na tumigil sa pag-iyak ang kanyang anak. Nang mapasok na niya ang kuwarto, nagtaka siya na tahimik dito at tila wala na ang kanyang anak.

Halos mawalan si Ji ng ulirat nang makitang nakabukas ang bintana at naisip nito na huli na ang lahat. Sumilip siya sa bintana, nakita niya ang kanyang anak na nasa bubong ng botika sa ground floor. Agad siyang bumaba para puntahan ang botika at inakyat ang bubungan nito.

Nagulat si Ji nang makitang buhay pa si Enzo at may maliit na galos lang ito sa kanyang binti.

Mabilis na dinala si Enzo sa Ecker Hospital. Ineksamen ito at nakita na mayroong minor bleeding sa kidney at lungs na agad din namang nagamot. Pagka­tapos ng pitong araw, pinayagan na itong lumabas ng ospital.

Kahit ang mga doktor ay hindi makapaniwala na minor injuries lang ang natamo ng bata dahil hindi biro ang malaglag mula sa 16th floors. Nananatiling misteryo sa lahat kung paano ito nakaligtas sa ga­noon kataas na palapag. May nagsabi na dahil bata pa si Enzo, ma­gaan at flexible ang katawan nito.

Ayon sa French doctor na si Veronique Bourg, ang mga bata ay may favorable coefficient of elasticity of bones and joints.

Hindi ito ang unang kasong naitala kung saan nakaligtas sa mataas na pagkahulog ang isang bata. Noong 2018, isang dalawang taong gulang na batang babae sa China ang nahulog mula sa 17th floor na walang natamong injury.

Ang gusali kung saan nahulog ang apat na taong gulang na bata na himalang nakaligtas.

vuukle comment

FRANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with