Iceberg na hugis ari ng lalaki, natagpuan sa karagatan ng Canada!
Isang photographer mula sa Dildo, Canada ang nakakuha ng litrato ng isang iceberg na hugis ari ng lalaki!
Ayon sa photographer na si Ken Pretty, naglalakad siya sa baybayin ng Conception bay sa Newfoundland isang umaga nang mapansin niya na may isang iceberg na tila hugis ari ng lalaki. Sa una’y akala niya ay malikot lamang ang kanyang imahinasyon at namamalikmata lamang siya.
Para makasigurado, bumalik siya sa kanyang bahay at kinuha ang kanyang drone camera at pinalipad malapit sa iceberg. Matapos makunan ng kanyang drone camera ang iceberg, saka niya nakumpirma na hugis ari nga ito.
Ang iceberg ay malaking piraso ng yelo na lumulutang sa dagat. Karaniwan itong nagmula sa mga glacier o yelo sa polar region. Ang iceberg ay may malaking bahagi na nakalubog sa ilalim ng tubig na tinatayang 90% ng kabuuang dami nito habang ang natitirang 10% lamang ang nakikita sa ibabaw.
Ayaw sarilinin ni Pretty ang natuklasang iceberg, kaya agad niyang pinost ito sa social media. Matapos lamang ang ilang oras ay nag-viral ang litrato at naging laman na ito ng mga balita mula Quebec hanggang Australia. Dahil sa mga headline ay naging meme na ito at tinawag ang iceberg bilang ‘dickie berg’. Lalo pang kinatuwaan ang balitang ito dahil sa coincidence na natagpuan ang iceberg sa ‘Conception’ bay na malapit sa bayan ng ‘Dildo’.
Dahil sa coincidence na ito, maraming naghinala na baka fake news at edited ang litrato pero sa panayam kay Pretty ng Snopes.com, na isang fact-checking website, sinabi nito na totoo ang litrato at wala siyang inedit dito. Bukod dito, nakapagbigay din ng video footage si Pretty ng naturang iceberg na makapagbibigay patunay na totoo ito. Sa kasalukuyan, hindi na matatagpuan ang iceberg dahil noong araw na nakunan ito ni Pretty ay natunaw na ito.
- Latest