^

Metro

6 patay, 2 sugatan sa sunog sa Tondo!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
6 patay, 2 sugatan sa sunog sa Tondo!
Hindi pa pina­ngalanan ang nasawing mga biktima na kinabibilangan ng dalawang babae na nagkaka-edad ng 29 at 19; dalawang lalaki, na nasa 21 at 31-anyos, at dalawang batang lalaki na 6-buwang gulang, at 1-taon at 10-buwang gulang.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Anim katao ang patay habang dalawa pa ang sugatan nang sumiklab ang sunog sa isang tatlong palapag na tahanan na may penthouse sa Tondo, Manila kahapon ng madaling araw.

Hindi pa pina­ngalanan ang nasawing mga biktima na kinabibilangan ng dalawang babae na nagkaka-edad ng 29 at 19; dalawang lalaki, na nasa 21 at 31-anyos, at dalawang batang lalaki na 6-buwang gulang, at 1-taon at 10-buwang gulang.

Ang mga sugatan ay kinilala namang sina Raymer Valisno, 46, at Ray Ann Pardilla, 21, kapwa isinugod sa paga­mutan dahil sa tinamong mga sunog at paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Department (BFP), dakong alas-4:32 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa ikalawang palapag ng tahanan na matatagpuan sa Camba Extension, kanto ng Ariaran St. sa Tondo at pagmamay-ari ng isang Elizabeth Valisno.

Mahimbing pa umanong natutulog ang mga biktima nang sumiklab ang apoy kaya’t hindi kaagad nakalabas sa kanilang tahanan, na nagresulta sa pagkasawi ng anim.

Problema umano sa kuryente ang isa sa tinitingnang dahilan nang pagsiklab ng apoy, na umabot lamang sa unang alarma bago nai­deklarang under control dakong alas-5:23 ng madaling araw, at tuluyang naapula dakong alas-5:40 ng madaling araw.

Wala namang ibang tahanan na naapektuhan ng sunog, na tumupok sa tinatayang aabot sa P50,000 halaga ng mga ari-arian.

  

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with