^

Metro

Pagtayo sa parking slots, bilang reservation bawal na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pagtayo sa parking slots, bilang reservation bawal na
Image of a parking lot
Image by karlyukav on Freepik

MMDA bubuo ng ordinansa

MANILA, Philippines — Bubuo ang Metro Manila Council (MMC) ng ordinansa na magpaparusa sa mga taong tatayo sa mga parking slot upang ireserba ang parking space sa kanilang sasakyan.

Sa ginanap na pulong balitaan, sinabi ni  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes na pag-aaralan at babalangkasin na nila ito upang maiwasan ang  gulo na nagiging viral sa social media.

Inaasahang magpapasa ng uniform ordinance ang 17 local go­vernment units (LGUs) sa Metro Manila sa pagbabawal at pagpaparusa sa mga taong magrereserba ng mga parking slot.

Palliwanag ni Artes, makikipag-ugnayan sila sa mga malls at private par­king  upang ma-institutio­nalize  at mapagbawalan.

Kadalasan aniyang nag-aagawan ng parking space sa mga private parking.

Dagdag pa ni Artes, halos sunud-sunod ang insidente ng ‘parking re­servations’ na dapat na masolusyunan sa  lalong madaling panahon.

MMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with