^

Metro

246 drug convicts ‘lipat-bahay’ sa Sablayan Prison Farm - BuCor

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
246 drug convicts âlipat-bahayâ sa Sablayan Prison Farm - BuCor
Sa binuong inter-agency task force na ‘Sanib-Pwersa’, sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang, Jr. itinalaga si Deputy Director for Operations, Asec. Gil Torralba bilang hepe na tututok sa mga high profile drug convicts na kinabibilangan ng 134 na Chinese, 7 Hong Kongese, 20 Taiwanese, 1 Canadian, 2 Iranian, 3 Korean, 1 Nigerian, at 78 Pilipino.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bantay-sarado sa mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nasa 246 dayuhan at Pilipinong drug convicts bilang suporta sa  “Bloodless Drug War” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa binuong inter-agency task force na ‘Sanib-Pwersa’, sinabi  ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang, Jr. itinalaga si Deputy Director for Operations, Asec. Gil Torralba bilang hepe na tututok sa mga  high profile drug convicts na kinabibilangan ng 134 na Chinese, 7 Hong Kongese, 20 Taiwanese, 1 Canadian, 2 Iranian, 3 Korean, 1 Nigerian, at 78 Pilipino.

“Our initiative, gui­ded by Justice Secretary Crispin Remulla and aligned with the campaign of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla to cut-off the supply chain of illegal drugs, will be focused, hardened and robust,” ani Catapang.

Ipinaliwanag niya na ang person deprived of liberty (PDLs) na sangkot sa drug-related offenses na nasa iba’t ibang pri­sons at penal farms ay ­ililipat sa SuperMax faci­lity sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF).

Nabatid na may code na  “Robust” para sa karagdagang aktibidad ng inter-agency habang “hardened” naman dahil sa ipoposteng 200 miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) sa SPPF at ang pokus nito ay para sa nakapiit na convicted sa iligal na droga.

Iniutos din ni Catapang sa lahat ng corrections officers na nakatalaga sa SPPF na magkakaroon ng weekly rotations upang maiwasan ang masyadong pamilyar sa mga preso, at upang maipatupad ang direktiba ni Justice Secretary  Crispin Remulla.

Aniya, nasimulan na ang relokasyon ng high profile inmates mula sa New Bilibid Prison patu­ngo sa SPPF noong Hul­yo ng nakalipas na taon.

Ibinigay  na rin ni Catapang  sa inter-agency task force ang detalyadong listahan ng 5,890 PDLs convicted sa drug offenses na nasa NBP, sa layuning ma-identify ng mabuti ang mga indibidwal na sangkot pa rin sa iligal drug trade upang maging prayoridad sa paglilipat sa SPPF.

Kahapon ay may 100 PDLs ang mula sa NBP ang nailipat sa Pasugui-Sub Colony sa  SPPF, at susundan ito ng paglilipat pa ng 200  sa loob ng linggong ito at 300 naman ang nakalinya para irelocate sa katapusan ng buwan.

PDLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with