^

Metro

Bagong PLV building pinasinayaan sa Valenzuela

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasinayaan ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang bagong  gusali ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV)-College of Public Administration and Governance (CPAG) bilang bahagi ng  ika-401st Founding Anniversary ng  Lungsod.

Ayon kay Gatchalian,ang PLV-CPAG ay matatagpuan sa dating pangunahing gusali ng PLV, na may kabuuang lugar na 1,246 metro kuwadrado.

Umaabot sa P255 milyon  ang pondong inilaan ng  city  government sa  8-storey building na may  25 classrooms, dalawang computer laboratories, lecture hall, moot court, library, dean’s office, dalawang faculty rooms, clinic at multi-purpose room.

Sinabi ni Gatchalian na ang pagpapatayo ng  gusali ay indikasyon ng kanilang dedikasyon sa pamumuhunan sa isip, puso, at kinabukasan ng mga mag-aaral  sa lungsod.

“Binubuksan namin ang mga pinto sa isang legacy, isang kinabukasan na binuo sa mga halaga ng pamumuno, disiplina, transparency, at mabuting pamamahala,” ani Gatchalian.

Nagpasalamat din  si  Gatchalian sa kanyang kapatid na si Senator  Win Gatchalian na walang  sawang sumusuporta sa mga proyekto ng lungsod.

Ang PLV ay binuksan bilang isang pampublikong paaralang tersiyaryo na pinondohan ng lungsod noong 2002, at kasalukuyang ipinagdiriwang ang ika-22 anibersaryo ng pagkakatatag nito.

Nagsimula sa 450 na mga mag-aaral lamang, ang PLV ay mayroon na ngayong 12,000 mga mag-aaral at 572 dito ay nag-aaral ng Bachelor of Science in Public Administration.

Itinuturing na ring  world-class  ang nasabing  unibersidad na may mataas na antas ng competetivenes ng mga mag-aaral.

Dumalo rin sa event sina Vice Mayor Lorie Natividad Borja, 2nd District Congressman Eric Martinez, City Councilors, DILG – Valenzuela Director Sudi Valencia, PLV President Dr. Nedeña Torralba, at PLV-CPAG Dean Dr. Michville Rivera.

WES GATCHALIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with