^

Metro

Pulis-Maynila nang-araro ng mga raliyista, ipinaaaresto ng korte

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinag-utos na ng ­korte ang pag-aresto sa isang pulis-Maynila na umano’y nanagasa ga­mit ang isang van ng mga raliyistang nagsasagawa ng kilos-protesta, sa may US Embassy sa Maynila noong Oktubre 19, 2016.

Batay sa kautusan ng Manila Metropolitan Regional Trial Court Branch 7, na ipinost sa social media ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) president Renato Reyes Jr., nabatid na nagpalabas ng arrest warrant ang korte laban kay Police Staff Sergeant, dating Police Officer 3, Franklin Kho.

May kaugnayan ito sa kinakaharap niyang tatlong bilang ng kasong attempted homicide dahil sa naturang insidente.

Nabatid na nagrekomenda naman ang hukuman ang tig-P36,000 piyansa sa bawat bilang ng kaso para sa pansamantalang kalayaan ng akusadong pulis.

Samantala, itinakda na rin ng hukuman ang arraignment at pre-trial ng kaso sa Setyembre 2, 2024.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with