Caelan pumirma ng 3-year deal sa RoS
MANILA, Philippines — Inaasahang madaragdagan ng lakas ang Rain or Shine sa papagpasok ng bagong season ng Philippine Basketball Association (PBA).
Ito ay matapos pumirma si Filipino-American rookie Caelan Tiongson ng tatlong taon na kontrata sa Elasto Painters.
Inihayag ng pamunuan ng Elasto Painters ang magandang balita kahapon sa kanilang mga social media accounts matapos magkasundo ang kampo nito at ni Tiongson.
“Welcome to the Rain or Shine family, Caelan Tiongson,” ayon sa post ng Elasto Painters.
Kasama ng Elasto Painters si Tiongson sa Davao kung saan kasali ang tropa sa Kadayawan Festival.
Si Tiongson ang seventh pick overall sa nakalipas na PBA Annual Rookie Draft.
Dating naglaro si Tiongson para sa Biola University.
Nasilayan din ito sa aksyon sa Chong Son Kung Fu sa Asean Basketball League noong 2017-18 bilang heritage import.
Naglaro din si Tiongson para sa Alab Pilipinas.
Naging import din si Tiongson ng Taoyuan Leopards sa Taiwan T1 League.
Kamakailan lamang ay kasama ito ng Strong Group Athletics na nagkampeon sa William Jones Cup na ginanap sa Taipei, Taiwan.
- Latest