^

Metro

Ilang opisina ng LTO-NCR, sarado pa rin kay ‘Carina’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Ilang opisina ng LTO-NCR, sarado pa rin kay �Carina�
Batay sa inilabas na abiso ng LTO, kabilang dito ang Traffic Adjudication Section, New Registration Unit, at G. Araneta Licensing Section gayundin ang La Loma District Office sa LTO-NCR sa Quezon City.
Philsar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Dahil sa matin­ding pinsalang dulot ng bagyong Carina, pansamantala munang isinara ng Land Transportation Office ang kanilang mga tanggapan sa National Capital Region.

Batay sa inilabas na abiso ng LTO, kabilang dito ang Traffic Adjudication Section, New Registration Unit, at G. Araneta Licensing Section gayundin ang La Loma District Office sa LTO-NCR sa Quezon City.

Kaugnay nito, nagtayo ang ahensya ng public assistance desk na siyang mag-aasikaso sa mga magtutu­ngong aplikante na hindi alam ang abiso.

Nagpapatuloy ang pagsasagawa nito ng paglilinis sa kanilang mga tanggapan na wala pa ring supply ng kur­yente, at maging internet.

Sa ngayon, wala pang abiso kung kailan maibabalik ang kanilang serbisyo at humingi ng paumanhin ang LTO sa publiko lalo na sa mga may transaksyon sa kanilang mga tanggapan.

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with