^

Metro

MAP issuance ng PCSO, puwede na sa weekends

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Good news dahil maging weekends ay magiging available na rin ang Medical Assis­tance Program (MAP) ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mga mamamayang nanga­ngailangan nito.

Ang MAP, na dating kilala bilang Individual Medical Assistance Program (IMAP), ay idinisenyo upang magkaloob sa medical assis­tance sa mga mahihirap na Pinoy, na nanga­ngailangan ng hospital confinement, chemotherapy, dialysis, at post-transplant medicines. Ito ay pinopondohan mula sa kita ng PCSO lotto, small town lottery (STL) at digit games sa buong bansa.

Ayon sa PCSO, sinisimulan na nilang i-fully digitalize ang pagkakaloob ng MAP, sa pamamagitan ng rollout ng electronic guarantee letters (e-GLs) upang aprubahan ang mga benepisyaryo sa Metro Manila.

Anang PCSO, sa tulong ng e-GL issuance, magiging available na ang MAP assistance sa mga aplikante, maging sa weekends o pagkatapos ng office hours.

Ipinaliwanag ni PCSO General Manager at Vice Chairman of the board of directors, Melquiades “Mel” Robles, na ang kanilang pangunahing layunin ay ipasilidad ang MAP assistance sa mga pasyente, maging sa mga araw ng Sabado at Linggo.

“Our goal is to release e-GLs to allow our patient-beneficiaries to get released from the hospital even during weekends,” ayon pa kay Robles.

Dagdag niya, inatasan na ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na hangga’t maaari ay i-digitalize ang kanilang mga sistema at operasyon upang higit pang mapahusay ang pag­hahatid ng serbisyo at tulong ng pamahalaan para sa mga mamamayan.

Sa ilalim ng programa, itinigil na ng PCSO ang pagtanggap ng MAP assistance application sa kanilang dating email address na [email protected].

Upang ma-access ang PCSO MAP Online Application System, kinakailangan magtungo sa PCSO official website na www.pcso.gov.ph at i-click ang e-services link, kung saan maaaring magre­histro at gumawa ng individual account at simulan ang kanilang aplikasyon.

vuukle comment

PHILIPPINE CHA­RITY SWEEPSTAKES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with