^

Metro

Habal-Habal driver utas sa tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Habal-Habal driver utas sa tandem
Kinilala ang nasawi na si Nelson Cutamora, 37, habal-habal driver at vendor sa Pasong Tamo area, at residente ng Pasay City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang habal-habal driver nang pagbabarilin ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo, sa Makati City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Nelson Cutamora, 37, habal-habal driver at vendor sa Pasong Tamo area, at residente ng Pasay City.

Sa ulat ng Investigation and Detective Management Section ng Makati City Police Station, dakong alas-9:25 ng gabi ng Hulyo 26 nang maganap ang insidente sa Osmeña Highway, northbound loading/unloading bay ng PNR Magallanes Interchange, sa Barangay Magallanes, Makati.

Sa imbestigasyon, ilang bystander ang nakarinig ng mga putok , habang ang isa sa suspek ay nagsabi pa ng “Ang yabang mo!”.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Maynila.

Rumesponde ang mga bantay bayan ng Makati na tumawag sa pulisya.

Narekober ng SOCO ang 6 na basyo ng bala ng kalibre .45 baril.

Patuloy pang inaalam ang pagkilanlan ng mga suspek at ang motibo sa krimen.

Sa pahayag ng kapatid na lalaki ng biktima, maraming inutangan ang kaniyang kapatid at madalas umanong magsugal.

Isa sa titingnang motibo kung may kinalaman sa utang at pagsusugal ang pamamaril.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with