^

Metro

Malaysian ikinulong sa gusali ni-rescue, 4 suspek huli

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Malaysian national ang nasagip ng mga awtoridad mula sa kamay ng apat na indibidwal na iligal na nagdetine sa kaniya sa ika-5 palapag ng Royal Peak Plaza, sa Barangay Tambo, Parañaque City.

Kinilala sa alyas na “Terence” ang 25-anyos na biktimang nasagip matapos humingi ng saklolo ang live-in partner na si alyas “Robe” sa Tambo Police Sub-Station 2.

Arestado naman ang mga suspek na sina alyas “Zhihao”, Chinese national; alyas “Tran”, Viet­namese; at mga Pinoy na sina alyas”Rolly” at “Angelo” na ihaharap sa reklamong Grave Coercion.

Sa ulat, dakong alas-4:20 ng madaling araw ng Hulyo 10, 2024 nang maganap ang insidente sa 5th Floor, Royal Peak Plaza, Brgy. Tambo, Para­ñaque City.

Agad na rumesponde ang mga pulis at sa mismong palapag na tinukoy ng live-in partner ng biktima, natunton na doon ikinulong at agad namang nasagip, habang ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya,

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with