^

Metro

Illegal POGO hospital sa Makati, ni-raid ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Illegal POGO hospital sa Makati, ni-raid ng NBI
Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, hindi lisensyado ng Department of Health (DOH) ang klinika para mag-operate gayundin ang natagpuang mga Chinese medicines na hindi lisensyado ng Food and Drugs Administration (FDA) Philippines.
pna / FIle

MANILA, Philippines — Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pinaniniwalaang Phi­lippine Offshore Gaming Operators (POGO) hospital sa Barangay San Isidro, Makati City, nitong Sabado.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, hindi lisensyado ng Department of Health (DOH) ang klinika para mag-operate gayundin ang natagpuang mga Chinese medicines na hindi lisensyado ng Food and Drugs Administration (FDA) Philippines.

Tiniyak ni Santiago nitong Linggo na hahalug­hugin pa nila ang ibang palapag ng three-storey building kung saan sinalakay ang nasabing klinika ng mga manggagawa ng POGO.

Nilinaw niya, na may nakatakas na hindi bababa sa dalawang suspek dahil hindi naman saklaw ng kanilang search warrant ang ibang palapag, kundi ang ground floor lamang, na nakarehistro bilang pharmacy, subalit ospital pala ng Chinese at Vietnamese POGO workers.

Nalaman din ng NBI na ang itaas ng gusali ay storage ng mga gamot na hindi na nila napasok.

Nakipag-ugnayan na rin aniya, sila sa FDA, para siyang mag-inspeksyon sa ikalawa at ikatlong palapag.

“Using their visitation power, makakapanik na kami pare-pareho sa itaas,” ani Santiago.

Ayon pa sa NBI, posibleng konektado rin ang klinika sa iligal na POGO hub sa Calabarzon region na minomonitor nila.

Dinatnan sa raid ang dalawang Chinese at dalawang Vietnamese na pasyente at pitong Pinoy na clinic staff na kinabibilangan ng dalawang doktor.

Ayaw umanong ma­kipagtulungan ng dalawang doctor na Pinoy sa mga awtoridad.

“Yung clinic, hindi dapat clinic kundi botika ang kanilang lisensya. We have a certification from the DOH that that place is supposed to be a botika lamang, hindi clinic. Hindi magke-cater sa mga patients, magko-cure ng patients,” paliwanag ni Santiago.

Naniniwala si Santiago na marami pang iligal na klinika na pawang nagki-cater lang sa POGO workers.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with