^

Metro

3 dawit sa ‘organ for sale’ timbog ng NBI

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
3 dawit sa �organ for sale� timbog ng NBI
Iprinisinta kahapon sa media ni NBI director Jaime Santiago ang tatlong suspek sa “organ for sale” o organ trafficking ng kidney sa NBI Headquarters sa Quezon City matapos silang maaresto sa isinagawang raid ng NBI sa Angeles City, Pampanga.
Miguel de Guzman

Nurse na lider tugis pa!

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong sangkot sa “organ trafficking” o “organ for sale” syndicate na nagbebenta ng bato o kidney ng tao sa isinagawang raid ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nag­resulta sa pagkakasagip sa 9 na biktima sa isang tagong lugar sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang mga suspek na sina Angela Atayde, Marichu Lomibao at Dannel Sicat na naaresto noong Hulyo 11 sa isang nirerentahang bahay sa San Jose Del Monte City.

Ayon sa NBI, isang nurse na hindi pinanga­lanan ang nagsisilbi umanong lider ng sindikato ng liver trafficking sa Bulacan na patuloy pa nilang tinutugis.

Sinabi ni Santiago na mayroong nakuhang organ donor ang mga suspek ngunit hindi siya binayaran. Bunsod nito,

nagsumbong sa NBI ang donor sanhi upang magkasa ng pagsalakay at nagsagip ang 9 pang biktima na naaktuhan sa lugar.

Sa nasabing bilang na nasagip, apat dito ay nakuhanan na ng “kidney” at lima ay inihahanda na para sa operasyon.

Umamin naman ang dalawa  sa mga suspek na dati rin silang donor ng kidney at sumama na sila sa operasyon kalaunan dahil sa pag-aakalang ito ay legal at dahil na rin sa panga­ngailangan sa pera.

Sa imbestigasyon ng NBI, ginagawa ang transaksyon sa social media kapalit ang ­bayad na P200,000 at ginagawa ang ilegal na operasyon sa malalayong lugar.

Dagdag ni Santiago, ang mga suspek ay sinampahan na ng paglabag sa Section 4 ng Expanded Anti Human Trafficking Act.

vuukle comment

ARRESTED

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with