^

Metro

Magkasintahan tepok sa salpok ng truck

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Magkasintahan tepok sa salpok ng truck
Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina John Paul, 29 at girlfriend na si  alyas Diane, 18, habang sugatan ang 15-anyos na kapatid ni Diane.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang magkasintahang rider ang patay matapos na salpukin ng trailer truck habang sugatan ang kasamang menor-de-edad nitong Linggo sa boundary ng Malabon at Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina John Paul, 29 at girlfriend na si  alyas Diane, 18, habang sugatan ang 15-anyos na kapatid ni Diane.

Nasa kustodiya naman ng Malabon City Police ang  driver ng truck na si alyas Telesforo, 45, residenteng  Dasmariñas, Cavite.

Batay sa imbestiga­syon, nangyari ang  aksidente dakong alas-2 ng madaling araw  sa  panulukan ng Dagat-dagatan at Lapu-Lapu Avenue, sa Caloocan.

Mabilis ang patakbo ni  John Paul sa motor kung  saan angkas si Diane at ang 15-anyos na kapatid ng huli.

Posibleng inakala umano ng mga biktima na hinahabol sila ng mobile car ng Malabon Police Longos Sub-Station 5 dahil mga walang suot na helmet.

Dahil dito dire-diretso sa intersection ang mga biktima bagama’t naka red light na kaya nasalpok ng  trailer truck.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at physical injury ang driver ng trailer truck.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with