^

Metro

Retiradong pulis pumalag sa holdap, todas!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang retiradong pulis ang patay matapos na manlaban at mabaril ng mga ‘di kilalang holdaper na nagtangkang mangholdap sa kanyang tindahan sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Naisugod pa sa Taytay Emergency Hospital ang biktimang si retired cop Gary Boco, 46, at residente ng Brgy, Sta. Ana, Taytay, Rizal ngunit binawian din ng buhay dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police, alas- 2:50 ng hapon, habang nagbabantay ng kanyang tindahan ang biktima nang bigla na lang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa isang itim na Yamaha Mio Sporty na may improvised plate number.

Mabilis na bumaba sa motorsiklo ang backrider at kaagad na tinutukan ng baril ang biktima at nagdeklara ng holdap. Nagawa namang manlaban ng biktima at sinunggaban ang baril ng holdaper ngunit sa kanilang pag-aagawan ay dalawang ulit na pumutok ito at tinamaan ng bala ang biktima.

Nang makitang duguang humandusay ang biktima, mabilis na kumaripas ng takbo ang mga salarin upang tumakas at naiwanan ang kanilang motorsiklo at ang baril na ginamit sa krimen.

vuukle comment

RIZAL

TAYTAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with