Lacuna, Servo umayuda sa mga biktima ng sunog
MANILA, Philippines — Nagkaloob ng ayuda sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo, katuwang si Manila Department of Social Welfare (MDSW) chief Re Fugoso, sa mga pamilyang biktima ng sunog sa Tondo at Sta. Cruz kamakailan.
Nabatid na ang bawat pamilyang nasunugan sa Barangay 106, District 1 at Barangay 353 sa District 3 ay tumanggap ng tig-P10,000 cash mula kina Lacuna at Servo.
“Ang pag-asang dala ng bawat tulong na ating binibigay ay patunay ng malasakit ng pamahalaan sa bawat pamilyang nangangailangan sa oras ng sakuna. Patuloy tayong magiging katuwang sa kanilang muling pagbangon. Anumang pagsubok, basta’t sama-sama, kaya natin ito,” ani Lacuna.
Samantala, sinabi naman ni Fugoso na bukod sa financial assistance sa bawat apektadong pamilya, tatanggap din ng food boxes, relief goods, hygiene kits, grocery items at iba pang essential needs ng mga residente.
Nabatid na ang mga fire victims ay pansamantalang nanunuluyan sa Andres Bonifacio Elementary School.
- Latest