^

Metro

MMDA: 24-oras ‘road works’ tuloy ngayong Semana Santa

Ludy ­Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang road works na isasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at isang telecommunication company sa mga pangunahing kalsada sa ngayong Semana Santa.

Sinabi ni MMDA Acting Chairman  Don Artes, ang Holy Week break ang pinakamai­nam na oras para sa mga contractor na tapusin ang kanilang mga gawain at ­reblocking activities dahil  mas kaun­ting mga sasakyan ang nasa mga lansangan ng Metro Manila, na karamihan ay nagtutungo sa mga lalawigan.

“The clearance for the 24-hour road works aims to strike a ba­lance between main­taining infrastructure and minimizing disruptions and inconvenience to moto­rists after the significantly religious holidays,” ani Artes.

Magsisimula ito sa Miyerkules, Marso 27 alas-11:00 ng gabi na tatagal ng 24 oras sa kada araw hanggang sa sumapit ang Lunes, Abril 1 ng alas-5:00 ng umaga.

DPWH

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with