^

Metro

Karnaper pumalag sa aresto, sugatan sa shootout

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Karnaper pumalag sa aresto, sugatan sa shootout
Isinugod ng mga pulis sa pinakamalapit na pagamutan ang suspek na si Romeo Garcia, ng Capulong Street, Tondo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang hinihinalang karnaper nang manlaban at makipagbarilan sa mga umaarestong pulis sa Tondo, Maynila, Lunes ng umaga.

Isinugod ng mga pulis sa pinakamalapit na pagamutan ang suspek na si Romeo Garcia, ng Capulong Street, Tondo.

Sa ulat na isinumite kay National Capital Regional Police Office Director P/MajGen Felipe Natividad, unang tinangay ng suspect ang Rai­der type na motorsiklo na pag-aari ng hindi pinangalanang biktima habang nakaparada sa harapan ng Paltok Elementary School sa Basa St., Brgy. Paltok sa Quezon City.

Agad na nagsuplong ang biktima sa Masambong Police Station at makaraan ang berepikasyon ay natukoy ang pagkakakilanlan sa suspek na nagtatago sa Tondo. Nabatid rin na may kinakaharap na standing warrant of arrest ang suspek na bitbit ng mga pulis nang ikasa ang operasyon.

Nang puntahan ang lugar, sa halip na sumuko ay una umanong nagpaputok ang suspek gamit ang kaniyang kalibre .38 na baril.Dahil sa banta sa buhay, agad na gumati ang mga pulis kaya tinamaan ang suspek sa katawan.

Bukod sa kasong Theft sa Manila Metropolitan Trial Court Branch 28, nahaharap din ang suspek sa kaso sa ilegal na droga, at ilegal na sugal. Sinampahan na siya ng dagdag na kasong paglabag sa RA 10883 (Anti-Carnapping Law), Direct Assault with Attempted Homicide, RA 10591 at Omnibus Election Code sa Manila Prosecutors Office.

KARNAPER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with