^

Metro

Anggulo ng robbery isinantabi ng pulisya sa nasawing dating editor ng tabloid

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Anggulo ng robbery isinantabi ng pulisya sa nasawing dating editor ng tabloid
Matatandaang dakong alas-3:45 ng hapon ka­makalawa nang isagawa ang pagpatay kay Gwenn Salamida, 41, sa loob mismo ng kanyang bagong tayong Gott Beauty Salon and Spa na matatagpuan sa 191 Kaingin Road corner EDSA, Brgy. Apolonio Samson, QC.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Tuluyan nang isinantabi ng pulisya ang anggulong holdap sa pamamaril at pagpatay kay Gwenn Salamida, ang dating editor ng Remate Online na pinaslang sa loob ng pagmamay-ari niyang Salon and Spa sa Brgy. Apolonio Samson, Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Ito’y matapos na makaka­lap ang pulisya ng testigo na nagpapatunay na posibleng sinadyang itumba ang biktima at ang kanyang kinakasamang si Oliver Perona, 43, na kasalukuyan pang ginagamot sa Quezon City General Hospital dahil sa tama ng bala sa baba at dibdib.

Matatandaang dakong alas-3:45 ng hapon ka­makalawa nang isagawa ang pagpatay kay Salamida, 41, sa loob mismo ng kanyang bagong tayong Gott Beauty Salon and Spa na matatagpuan sa 191 Kaingin Road corner EDSA, Brgy. Apolonio Samson, QC.

Unang lumutang ang anggulong nanlaban sa holdap sina Salamida at Perona kaya’t pinagbabaril ng salarin.

Gayunman, lumitaw sa salaysay ng isang Grab food delivery rider, na hindi na pinangalanan para sa proteksiyon nito, na walang naganap na holdap sa insidente.

Ayon sa delivery rider, inihatid niya ang pagkaing ipinadeliber ng mga biktima,  nang bigla na lamang siyang sabayan sa pagpasok sa salon ng isang lalaki na armado ng di pa batid na kalibre ng baril at kaagad na umanong pinagbabaril ang mga biktima.

Batay sa inilabas na report ni P/Maj. Loreto P Tigno, deputy chief ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), lumilitaw  na apat na tama ng bala ang tinamo ni Salamida sa likod ng tainga, ulo, siko at kanang balikat, na nagresulta sa agarang kamatayan nito.

Ayon naman sa mga imbestigador, posibleng matagal nang nag-aabang ang mga suspek sa lugar at tiniyempuhan ng mga ito na mabuksan ang establisimyento upang maisagawa ang krimen.

Ipinag-utos na rin ni Phi­lippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Lo­renzo Eleazar kay QCPD Director PBGen Antonio Yarra ang masusing pagsisiyasat sa krimen upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at mapanagot sa batas ang mga salarin.

Nabatid na si Salamida ay magdiriwang sana ng kanyang kaarawan nitong Miyerkules at magpapakulay lamang umano ng buhok kaya nagpunta sa parlor.

Sinamantala na rin umano ng mga biktima ang pagtungo sa parlor upang makapaglinis dahil plano na nilang muling magbukas ng negosyo sa sandaling magtapos na ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila bukas, Agosto 20.

TULUYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with