^

Metro

Dalaga ginahasa ng magnanakaw

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dalaga ginahasa ng magnanakaw
Itinago ang ginahasang biktima sa alyas na “Mitch”, isang estudyante at nakatira sa Brgy. Don Bosco, ng naturang lungsod. Bigo naman na madakip ang nakatakas na suspek.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ginahasa ng isang hindi pa nakikilalang magnanakaw ang isang 19-anyos na babae nang matagumpay na makapasok sa loob ng bahay ng mga biktima at makapanloob nang makuha ang susi na isinabit lamang malapit sa kanilang gate kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Itinago ang ginahasang biktima sa alyas na “Mitch”, isang estudyante at nakatira sa Brgy. Don Bosco, ng naturang lungsod.  Bigo naman na madakip ang nakatakas na suspek.

Sa ulat ng Parañaque City Police, alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa bahay ng biktima.  Sa imbestigasyon, sakay ang suspek ng isang motorsiklo at nagawang makapasok sa bahay nang kaniyang sungkitin gamit ang isang mahabang kahoy ang susi ng gate at pinto na isinabit lamang ng mga residente sa pader para sa mga darating pa nilang kaanak.

Agad na dumiretso ang salarin sa kuwarto ng kapatid na lalaki ni Mitch na iginapos at binusalan sa bibig. Dito dumiretso ang magnanakaw sa kuwarto ng dalaga na nagawang lurayin ng salarin sa kabila ng pagmamakaawa ng biktima.

Matapos na makaraos sa makamundong pagnanasa, nilimas ng magnanakaw ang mga gadgets, alahas, pera at iba pang mahahalagang gamit ng pamilya na aabot sa halagang P2.4 milyon saka tumakas.

GAHASA

MAGNANAKAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with