Trapik sa Metro Manila, bahagya nang luluwag
MANILA, Philippines — Inaasahang sa Lunes, bisperas ng Pasko ay bahagya nang gagaan ang daloy ng trapiko sa ilang lugar ng Metro Manila dahil nakaalis na ang nasa libu-libong residente para magtungo sa mga probinsiya para doon ay ipagdiwang ang Kapaskuhan.
Ayon ito kay Metropolitan Manila Development Autho-rity (MMDA) EDSA Traffic Czar Bong Nebrija.
Sabi ni Nebrija, inaasahang luluwag na ang daloy ng trapiko sa ilang lugar ng Kalakhang Maynila maliban lamang sa identified chokepoints sa EDSA tulad ng mga bus terminals sa Pasay at sa Cubao, Quezon City.
Kung saan ang iba aniya ay humahabol sa last minute shopping, sinabi ni Nebrija na hindi naman aniya ito makakaapekto sa trapik, dahil ang talagang matinding trapik ay itong nakaraang mga ilang araw.
Ayon pa kay Nebrija, ang average travel speed sa EDSA ay magiging 25 kilometer kada oras.
Ngunit pinayuhan nito ang mga motorista na huwag dumipende sa sitwasyon ng daloy ng trapiko dahil posible aniyang magbago ang kondisyon nito kada oras.
- Latest