Ex-Baywalk Bodies member, timbog sa shabu
MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang actress na dating miyembro ng all-female group na Baywalk Bodies sa isinagawang anti-drug operation sa Quezon City kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ng QCPD Station 1 ang naarestong suspek na si Kat De Santos, nasa hustong gulang na residente ng Tagaytay St. Brgy. San Jose, Quezon City.
Naaresto ang actress sa isinagawang drug-raid ng mga awtoridad sa Tagaytay Street, Barangay San Jose dakong alas-3:00 ng madaling araw.
Ayon sa report, tinangka pa umanong tumakas ng suspek pero naaresto rin siya ng mga pulis.
Ayon sa ulat ng QCPD, nakuha nila sa nasabing dating aktres ang tatlong sachet ng shabu.
Nabatid na naglunsad ng magkakasunod na drug raid ang mga tauhan ng QCPD sa iba’t ibang lugar sa lungsod na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mahigit sa 50 drug personality.
Ayon pamunuan QCPD, magpapatuloy ang kanilang mga operasyon sa iba’t ibang lugar sa lungsod laban sa iligal na droga.
- Latest