^

Metro

P21-M shabu nasabat: Anak ng drug queen timbog

Mer Layson at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang babaeng anak ng tinaguriang drug queen at convicted drug pusher na si Yu Yuk Lai ma­tapos salakayin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanyang tahanan na ma-tatagpuan lamang sa tabi ng Palasyo ng Malacañang sa San Miguel, Maynila kahapon ng umaga.

Kaugnay nito, aabot sa kabuuang P21 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng PDEA sa dalawang magkasunod na raid una sa selda ng drug queen na si Lai sa Correctional Mandaluyong at sa condominium ng kanyang anak sa Maynila.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek na si Diane Yu Uy, matapos na maaresto dakong alas-10:00 ng umaga sa kanyang condominium unit sa Gen. Solano St., sa San Miguel, Maynila na ilang  metro lamang ang layo sa Gate 1 ng Malacañang Palace.

Nakumpiska mula kay Yu ang tinatayang aabot sa dalawang kilo ng shabu, na nagkakahalaga ng P10 milyon.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, bago nila isinagawa ang pag­sala-kay ay inimpormahan nila hinggil dito si Special Assis-tant to the President (SAP) Bong Go.

Sinabi ni Aquino, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa illegal na aktibidad ni Uy, kaya’t kaagad na isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng isang search warrant.

Si Uy ay sinasabing anak ng tinaguriang “drug queen” na si Yu Yuk Lai na naka­kulong sa Correctional Institute for Women (CIW).

Hinala ng PDEA na gina­gamit ng drug queen ang kanyang anak bilang kanyang operator sa labas, habang siya ay nasa loob ng bilangguan.

Bago ang pag-aresto kay Uy ay sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng PDEA, SWAT, PNP-LRU at BuCor ang selda ni Yu Yuk Lai sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong  City dakong alas-4:30 ng ma­daling araw kahapon.

Nakuha sa kubol ng drug queen ang 27 pantyliners na may palamang mga shabu at samu’t saring bloke ng crystals.

Tinatayang nasa 135    gramo ng shabu ang naku­ha na nakapalaman sa pantyli-ners na ang halaga ay nasa P1 milyon.

Narekober din mula sa selda ni Yu Yuk Lai ang da­lawang kilo pa ng shabu na nagkakahalaga ng P10-milyon, 19 na tseke na may halagang  P4.5 milyon at P100,000 cash.

Isinagawa ang pagsala-kay sa selda ni Yu Yuk Lai nang makumpirma sa isang buwang surveillance at test buys na may nabibiling sachet ng droga, na nakapalaman sa panty liners.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with