^

Metro

Sa clearance fraud 23-taon kulong sa 2 NBI officials

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng tanggapan ng Ombudsman ang guilty verdict ng Quezon City court na naglapat ng parusang 23-taon pagka­kulong sa dalawang opis­yal ng National Bureau of Investigation (NBI)-QC sa­tellite office dahil sa clea­rance fraud.

Kapwa napatunayang­ nag­­kasala ng walang pag-aalinlangan ang mga aku­sa­dong sina Ramil Rodriguez, OIC sa NBI-QC office at Elizabeth Sobrevilla, chief cashier sa kasong malversation at paglabag sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Bukod sa kulong, inatasan din ang mga ito na magbayad ng multa at pinagbabawalan na ring makapagtrabaho sa alinmang­ tanggapan ng gobyerno.

Noong 2006, nagsagawa ng surprise cash count ang NBI operatives sa naturang tanggapan at dito natuklasan na ang ilang booklets na ginamit para sa original receipts ay itinatago sa vault pero walang kaukulang cash payments.

Ayon sa tanggapan ng Ombudsman, napatunayan­ nila na bigo ang mga aku­sado na mai-account ang 120 booklets (8,195 pieces­) ng official receipts at mai-remit ang demand collection ng clearance fees na may halagang P942,425.00.

Sa 20 pahinang desis­yon na nilagdaan ni presiding Judge Manuel Sta. Cruz, Jr., napatunayan ng korte na sina Rodriguez at  Sobrevilla ay nagsabwatan sa naturang anomalya.

Napatunayan din ng Om­budsman prosecutors­ na si  Sobrevilla  ang ku­muha ng nawawalang ko­leksiyon at pinautang ang pera sa ibang tao.

Sa kasong ito, napa­wa­lang sala naman ang akusadong si Raul Angeles (Liaison Officer) dahil sa kawalan ng ebidensya na magdidiin dito sa kaso.

ACIRC

ANG

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ELIZABETH SOBREVILLA

JUDGE MANUEL STA

LIAISON OFFICER

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

RAMIL RODRIGUEZ

RAUL ANGELES

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with