^

Metro

DZMM anchor, biktima ng riding-in-tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang  anchor ng DZMM na si David Oro at pamilya nito makaraang manlaban ang misis ng una sa tangkang panghoholdap ng riding-in-tandem suspects sa harap mismo ng kanilang bahay sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa harap ng bahay ng pa­milya Oro na matatagpuan sa Paraiso St. Brgy. Paraiso sa lungsod ganap na alas-11:00 ng gabi. Ayon sa ulat, kabababa lamang ng pamilya Oro mula sa kanilang sasakyan at papasok na sana sa kanilang bahay nang lapitan ng isa sa mga suspek na naka­helmet ang misis ni David na si Hazel.

Dito ay biglang tinutukan ng suspect ang misis ni Oro saka pilit na kinukuha ang handbag nito, pero nagsisigaw ang huli hanggang sa makaalpas ito at iwan ng mga suspect.

Base sa kuha mula sa CCTV ng barangay, makikita ang isang motorsiklo na may angkas na dumadaan sa kalye kasunod ang sasakyan nila Oro.

Pagsapit sa mismong Paraiso St., malapit sa bahay ng biktima ay huminto ang nakamotorsiklo hanggang sa dumating ang sasakyan nina Oro at pumarada sa tapat ng bahay nito kung saan bumaba naman ang misis ni Oro.

Mula dito, makikitang bumaba ang angkas ng motorsiklo at lumapit sa misis ni Oro saka pilit na inaagaw ang dalang bag nito. Posibleng nataranta umano ang suspect na nanutok kung kaya nalaglag ang magazine at sa takot ay nagpasyang sumibat na lamang sa lugar.

ACIRC

ANG

AYON

DAVID ORO

DITO

MULA

NAKALIGTAS

ORO

PAGSAPIT

PARAISO ST.

PARAISO ST. BRGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with