^

Metro

Bangladeshi family kinidnap, kinokotongan ng 3 immigration officers

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binubusisi na ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang pagkakakilanlan sa tatlong im­migration officer na inakusahan ng kidnapping at pangongotong ng ha­lagang P500-libo kapalit ng kalayaan ng isang pamilyang Bangladeshi.

Kahapon, personal na nag­tungo sa MPD-GAIS upang magharap ng reklamo ang mga biktimang sina Mahiudin Ahamed Shapan, Umma Happy Soria, at kanilang mga anak  na sina Ibrhim Hasin, 7; at Maisa Mehejabin Soha, 3, na dinukot umano dakong alas-10:00 ng umaga sa loob ng tinutuluyan nilang BM Boutique sa M. Dela Fuente St., Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO2 James Poso, luma­labas sa naging salaysay ni Joeflor Wasim, 22, sa kanya pa umano tumawag ang mga suspek upang humingi ng kalahating milyong piso matapos ang ilang oras na pagtangay sa mga biktima, na ang idinahilan ay lumabag sa Immigration laws.

Ang mga biktima ay ki­nuha sa nasabing boutique na pag-aari ng kaibigan ng mga dayuhan, isinakay sila sa kulay itim na Ford na may red plate na SAM-45 at con­duction sticker na 7591.

Bukod sa kinuhang mga pasaporte ay kumuha pa umano ng ilang paninda sa boutique, nanghingi rin ng P100 (isandaang piso lang) sa saleslady ang mga immigration officer.

Hindi umano nagbigay ng pera si Wasim at sa halip ay itinawag ito sa kaibigan na nasa National Police Commission (Napolcom).

Na­ging dahilan umano ito para makatunog ang 3 suspek kaya dinala sa Baclaran, Parañaque ang pamilya ng biktima at doon basta ibinaba.

DELA FUENTE ST.

IBRHIM HASIN

JAMES POSO

JOEFLOR WASIM

MAHIUDIN AHAMED SHAPAN

MAISA MEHEJABIN SOHA

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

NATIONAL POLICE COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with