^

Metro

Brgy. chairman, itinumba ng tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang ba­rangay chairman matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Mula sa Taguig-Pateros District Hospital ay agad na inilipat sa Saint Luke’s Medical Center sa Boni­facio Global City  ang biktimang si Aurelio Paulino, 68, ng Brgy. Lower Bicutan ng naturang lungsod, subalit binawian rin ito ng buhay sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Kaugnay nito, nagpalabas ng kautusan si Taguig City Mayor Lanie Cayetano kay Senior. Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police na magsagawa ng malalimang imbestigasyon  para sa agarang pagtukoy at pagdakip sa mga suspek.

Sa inisyal na report na natanggap ng pulisya, naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi sa kahabaan ng Manuel L. Quezon Avenue, Purok 3, Brgy. Lower Bicutan ng naturang lungsod.

Papauwi na ang biktima mula sa pagdu-duty nito bilang chairman sa naturang barangay, nang biglang  sumulpot ang isang motor­siklong walang plaka lulan ang dalawang suspect.

Dito ay walang salitang pinaulanan ng bala ang naturang barangay chairman ng mga suspek, dahilan upang duguan itong tumumba.

Matapos ang pamamaril ay dali-daling pinaharurot ng mga suspek ang ka­nilang motorsiklo at mabilis na nagsitakas. Ang biktima naman ay mabilis na dinala ng rescue team at nang  rumespon­deng  mga barangay tanod sa na­turang ospital, subalit binawian din ito ng buhay.

Inaalam ng pulisya  kung may CCTV sa naturang lugar at kung nakuhanan ang naganap na pamamaril.

Patuloy naman ang isi­na­sagawang pagsisi­yasat sa insidente.

ARTHUR FELIX ASIS

AURELIO PAULINO

BRGY

GLOBAL CITY

LOWER BICUTAN

MANUEL L

MEDICAL CENTER

QUEZON AVENUE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with