^

Metro

‘Parak’ tinangay ang cellphone ng kinokotongang motorista

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang umano’y nagpakilalang pulis ang inireklamo sa Manila Police District (MPD) makaraang tangayin ang   cellphone ng isang motorista  na tinangka nitong kotongan kapalit ng hindi pag-aresto sa kanya sa paninigarilyo sa loob ng kanyang  nakaparadang kotse  sa Sampaloc, Maynila, noong nakalipas na Martes.

Sa reklamo ng 22-anyos na biktimang si Mark Paul Clutario, ng Sampaloc, Manila, isang nagpakilalang SPO2 Ramos na nakasuot umano ng uniporme at jacket ang sumita sa kanya hinggil sa kanyang paninigarilyo sa loob ng sasakyan dakong  alas-7:00 ng gabi  sa panulukan ng A. Mendoza at Alvarez Sts., Sampaloc, Maynila.

Pinagsabihan umano siya na bawal ang kanyang gina­gawang paninigarilyo at maaari umanong hulihin at magmulta ng P35,000.

Naki­usap siya na huwag siyang arestuhin kasabay ng pagtatanong kung magkano ang kaya niyang ibigay hanggang sa magkasundo sa halagang P1,000.

Wala umanong pera ang biktima sa oras na iyon kaya sinabihan ang pulis na mag-withdraw muna siya sa automated teller machine (ATM) subalit habang hawak umano ng pulis ang kanyang cellphone ay biglang pinasibad na ng huli ang motorsiklo tangay ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P8,000.

 

ALVAREZ STS

ISANG

MANILA POLICE DISTRICT

MARK PAUL CLUTARIO

MAYNILA

MENDOZA

NAKI

PINAGSABIHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with