^

Metro

Trader itinumba sa harap ng ka-live-in

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang negosyante makaraang pasukin ito sa loob ng kanyang warehouse ng dalawang hindi nakikilalang suspect at pagbabarilin sa harap ng kanyang live-in partner sa lungsod Quezon, kamakalawa. Si Jonathan Laureal, 43, ng Brgy. Commonwealth ay agad na binawian ng buhay dulot ng mga tama ng bala sa kanyang katawan, ayon kay PO2 Marlon dela Vega, may-hawak ng kaso. Agad namang nagsitakas ang dalawang salarin sakay ng isang motorsiklo na walang plaka.

Nangyari ang insidente sa  loob ng isang warehouse na matatagpuan sa bahay ng biktima, partikular sa Doña Nicasia Subd., Motorola St., Brgy. Commonwealth, ganap na alas -7 ng gabi. Diumano, nasa loob ng kanilang warehouse ang biktima kasama ang live in partner na si Tripinia Abalang at busy sa pag-aayos ng kanilang kalakal na plastic nang pumasok ang isa sa mga  suspek at biglang pinagbabaril ang una.

Matapos ang pamamaril, agad na umalis sa lugar ang suspek at nagtungo sa kasamahan niyang naghihintay sa motorsiklo at nagsilbing lookout saka nagsipagtakas.

 

vuukle comment

BRGY

DIUMANO

MARLON

MATAPOS

MOTOROLA ST.

NANGYARI

NICASIA SUBD

SI JONATHAN LAUREAL

TRIPINIA ABALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with