NBI agent sugatan sa holdap
MANILA, Philippines - Isang ahente ng National Bureau of Investigation ang sugatan matapos masaksak ng isa sa tatlong holdaper nang tangkain ng unang manlaban sa mga huli sa lungsod Quezon kamakalawa.
Bukod kay Teodoro Guevarra, 54, isang miron din ang sugatan matapos na tamaan ng ligaw na bala nang isa sa mga suspek ang nagpaputok ng baril na gamit ng una.
Ayon kay Supt. Ariel Capocao, hepe ng Talipapa Police station, si Guevarra ay sinaksak sa dibdib at braso, habang ang miron na si Anthony Pangyarihan ay nagtamo ng tama ng bala sa dibdib.
Naghihintay si Guevara ng bus malapit sa Caltex gasoline station sa kahabaan ng EDSA, Balintawak, Brgy. Unang Sigaw nang lapitan ng suspek.
Papauwi na si Guevarra, ganap na alas-6:15 ng gabi nang pumara siya ng bus. Habang papanik ng bus ang biktima, isang lalaki ang biglang tumakbo patungo sa kanya at hinablot ang kanyang suot na gold necklace na nagkakahalaga ng P70,000.
Agad na bumaba si GueÂvarra sa bus para muling kunin ang alahas, pero sinaluÂbong siya ng saksak ng dalawa pang lalaki sa braso at dibdib.
Sabi ni Capocao, nagawa namang mabunot ng NBI agent ang kanyang baril na Smith and Wesson magnum 357 revolver na may lamang pitong bala, pero isa sa mga suspek ang nagawang maÂagaw ito sa kanya.
Kasunod nito, sama-sama ang mga suspek na tumakas patawid sa kabilang kalye ng Edsa na nasa hurisdiksyon na ng La Loma police station.
Hinabol pa sila ni Guevarra, kahit sugatan, pero pinaputukan siya ng isa sa suspek na may dala ng kanyang baril at nagmintis, pero tumama kay Pangyarihan na naroon din sa naturang lugar.
Mabilis na nakatakas ang mga suspek, dagdag ni Capocao, habang ang sugatang mga biktima ay itinakbo sa Quezon City General Hospital kung saan sila nilapatan ng lunas.
- Latest