^

Metro

Kahun-kahong droga nasamsam: 2 timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang lalaki makaraang makuhanan ng kahun-kahong Valium (Diazepam) at Nalbuphine Hydrochloride, na itinuring na mapanganib na gamot ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Las Piñas City.

Kinilala ni PDEA Di­rector General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina Arman Anta, alyas Balot, 20, at Albasser Pandoga, 21; kapwa mga vendors mula sa Zamboanga, pero residente na sa Sucat, Parañaque City.

 Nadakip ang mga suspek ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 4A (PDEA RO4A) sa pamumuno ni Director Adzhar Albani matapos na bentahan sila ng mga ito ng limang kulay golden brown na ampoules (2 ml kada isa) ng valium (diazepam) na nakalagay sa loob ng 10 kahon at tatlong kahon ng nalbuphine hydrochloride na kada isa ay naglalaman ng 10 ampoules (1 ml kada isa) malapit sa isang fast food chain sa Barangay Zapote, Las Piñas City, alas-11 ng gabi.

Ang Diazepam isang uri ng mapanganib na droga na kabilang sa 1971 United Nations Single Convention hingil sa psychotropic substances, habang ang nalbuphine hydrochloride ay dating ginagamit bilang pain medication. 

Pero dahil sa ka­ta­ngian nitong nakakahumaling tulad ng morphine, ibinilang ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang naturang droga na mapanganib noong 2011.

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dan­ge­rous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002, ang inihahandang isasampa sa korte laban sa mga suspek. 

 

ALBASSER PANDOGA

ANG DIAZEPAM

ARMAN ANTA

BARANGAY ZAPOTE

COMPREHENSIVE DANGE

DIRECTOR ADZHAR ALBANI

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

LAS PI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with