^

Metro

Seaman hulog sa flyover, kritikal

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 27-anyos na seaman ang nasa kritikal na kondisyon matapos tumilapon at ma­hulog mula sa may 20-talampakan ng Kalayaan flyover sa Makati City, kahapon ng umaga.

Kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktimang si Clark Macasadia, ng San Diego St., Sampaloc, Manila.

Lumalabas sa imbestigasyon ni P03 Michael Pamilara, ng Makati City Traffic Management Unit, naganap ang insidente alas-8:30 ng umaga sa Kalayaan flyover sa naturang lungsod.

Nabatid na galing sa Kalayaan Avenue at patungo sa Gil Puyat (dating Buendia Avenue)  Avenue si Macasadia, sakay nang minamaneho nitong  Honda motorcycle na may plakang NP-8315 at  pagdating sa itaas ng  flyover  ay sumalpok ito sa gutter.

Dahil sa bilis ng takbo, nawalan ng kontrol at nakabitiw sa manibela ang biktima kaya’t tumilapon hanggang sa mahulog sa tulay habang naiwan ang kanyang motorsiklo sa ibabaw ng flyover.

Kaagad namang nakapagresponde ang Rescue Team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at isinugod sa naturang ospital  ang biktima kung saan ito ay nasa kritikal na kondisyon makaraang mabali ang buto sa tadyang at mga buto sa hita.

Mabuti na lamang aniya ay nakasuot ng safety helmet ang biktima at hindi napinsala ang ulo nito.

BUENDIA AVENUE

CLARK MACASADIA

GIL PUYAT

KALAYAAN

KALAYAAN AVENUE

MAKATI CITY

MAKATI CITY TRAFFIC MANAGEMENT UNIT

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MICHAEL PAMILARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with