Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo
MANILA, Philippines - Nagpatupad muli ng dagÂdag-bawas sa presyo ng kaÂnilang produkto ang mga kompanya ng langis na magiging epektibo ngayong araw na ito.
Nabatid, na pinangunahan kahapon ng Petron Corporation at Pilipinas Shell ang pagpapatupad ng bawas presyo ng gasolina na nasa 45 sentimos sa kada litro at 10 sentimos naman sa kerosene epektibo ito alas-12:01 ng hatinggabi kanina.
Kasabay nito, tumaas naÂman ang presyo ng kaniÂlang diesel ng 10 sentimos kada litro.
Sinabi ni Ina Soriano, ng Pilipinas Shell at Raffy Ladesma, Petron Strategic Communications Manager, nabatid na ang dagdag-bawas ng kanilang produkto ay dahil sa paggalaw ng presyo ng langis sa world market.
Inaasahan naman ang pagsunod ng ilan pang maÂlalaking kompanya ng laÂngis ng dagdag-bawas sa kanilang mga produktong petrolyo.
Tulad ng PTT PhilippinesÂ, magpapatupad din ng dagdag-bawas kapareho ng haÂÂlagang pinatutupad ng Shell at Petron, ang Eastern Petrolium naman ay magpaÂpatupad ng pagbawas presyo ng gasolina na nasa 50 sentimos sa kada litro at wala namang paggalaw sa presyo ng kanilang krudo.
Subalit ang Phoenix PeÂtrolium, alas-6:00 ngayong umaga magpapatupad ng dagdag-bawas presyo kapaÂreho ng halaga ng Petron at Pilipinas Shell.
- Latest