^

Metro

Gang member itinumba sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang hinihinalang miyembro ng ‘Bahala ng Gang’ makaraang pagbabarilin sa loob ng isang bakanteng bahay sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, wala silang nakuhang pagkakakilanlan sa biktima maliban sa tattoo ng kanyang gang sa kanang hita. Inilarawan nila ito sa pagitan ng edad na 25-30, may taas na 5’1’’, at nakasuot ng jacket, at six pocket na short pants. Natuklasan ang bangkay ng biktima ni Sinab Macarampat sa isang bakanteng bahay sa Alsalam St., at Basilan St., Brgy. Culiat matapos nitong marinig ang sunud-sunod na  putok ng baril na nagmula dito ala-1:30 ng madaling-araw.

Nang kanyang tignan ang pinanggalingan ng putok ay saka bumulaga sa kanyang harapan ang nakahandusay na katawan ng biktima. Agad na ipinagbigay-alam ng testigo ang insidente sa awtoridad. Narekober sa lugar ang tatlong basyo at isang tingga ng bala ng kalibre 45; at isang sachet ng hinihinalang shabu; tatlong piraso ng lighter; dalawang improvised tooter at apat na aluminum foil. Inaalam pa ng awtoridad kung may kinalaman ang mga narekober na paraphernalia sa pamamaril sa biktima.

vuukle comment

ALSALAM ST.

AYON

BAHALA

BASILAN ST.

BRGY

CULIAT

INAALAM

INILARAWAN

PASCUAL FABREAG

SINAB MACARAMPAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with