^

Metro

Mister inutas ni chairman

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinahanting ngayon ng mga tauhan ng Caloocan City police ang isang barangay chairman matapos nitong mabaril at ma­patay ang isang mister makaraang sitahin ng huli ang una sa walang tigil na pagbusina  ng kanyang sasakyan kahapon ng madaling-araw sa lungsod.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si Wilfredo Diwa, 54, ng L. Nadurata St., ng naturang  lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang chairman ng Brgy. 136, Bagong Barrio, Caloocan  na si Othelo Ocampo.       

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:42 ng madaling-araw sa tapat ng bahay ng biktima nang ipinarada ng suspect ang kanyang sasakyan at walang tigil ito sa kakabusina upang tawagin ang apat na taong gulang na anak na lalaki.

Nagising at nabulahaw ang biktima na naging dahilan upang labasin at sitahin nito ang suspect. Hindi pinansin ng suspect  ang biktima at bumaba ng sasakyan bago pinuntahan ang pinag-iwanan sa anak.

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ang suspect  kasama ang anak at nang makita ang biktima na nasa tabi ng sasakyan ay nagbunot ng baril si Ocampo bago pinutukan si Diwa na dahilan ng agaran nitong kamatayan. Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspect.

vuukle comment

BAGONG BARRIO

BRGY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

NADURATA ST.

OTHELO OCAMPO

WILFREDO DIWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with