American national, nagbigti sa kama
MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang American national matapos itong magbigti sa double deck niyang kama sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ito na si Joshua Michael Hunter, 42 at nanunuluyan sa Tanigue St., ng naturang lungsod.
Dakong ala-1:30 ng madaling araw, nang makitang patay na ang biktima habang nakasubsob sa first level ng double deck na kama at may nakapulupot na cable wire sa leeg at ang dulo ay nakatali sa 2nd level sa loob ng kuwarto ng nasabing lugar ng kasintahan nitong si Claire Nasino.
Ipinakita rin ni Nasino sa mga pulis ang suicide note ng biktima na nagso-sorry at pagmamahal sa kanyang mga magulang. Nabatid, na huling nakitang buhay ang biktima na umiÂinom ng alak dakong alas-8:00 kamakalawa ng gabi. Inaalam rin ng mga pulis kung may naganap na foul-play sa nasabing insidente.
- Latest