^

Metro

2 bangkay ng lalaki, natagpuan sa Baseco

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki ang magkasunod na natagpuan  sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulo tinaniman ng bala ang isa na kinilalang si  Rusty Salamat, 25, ng Baseco Compound,  Port Area, Maynila  habang sa tenga tinaniman ng bala ang isang pa na nakilalang si Gener Boral, ng Malibay, Pasay City.

Sa ulat MPD-Homicide Section, dakong alas- 4:30 ng umaga nang matagpuang nakahandusay at walang buhay  si Salamat. Nabatid na may narekober na sumpak na nakasukbit pa sa beywang nito na hi­ni­­hinalang hindi na nabunot nang barilin sa kanang bahagi ng ulo.

Nabatid na sangkot  sa serye  ng pagnanakaw sa kanilang  lugar si Salamat.

Samantalang si Boral naman ay natagpuang nakabulagta sa may Blk. 11 Extension, New Site,  Baseco Compund, Port  Area,  Maynila, dakong alas- 12:15 ng madaling-araw. Blangko pa ang pulisya sa motibo at kung sino ang sangkot sa dalawang pagpaslang.

vuukle comment

BASECO COMPOUND

BASECO COMPUND

GENER BORAL

HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NABATID

NEW SITE

PASAY CITY

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with