^

Bansa

Pangulong Bongbong Marcos kinondena tangkang asasinasyon ni Trump

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing kinondena kahapon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tangkang pagpatay kay dating US President Donald Trump sa isang rally sa Pennsylvania.

Ayon kay Marcos, kaisa siya sa mamamayang nagpapahalaga sa demokrasya at kinokondema niya ang anumang uri ng karanasan sa politika.

“Together with all democracy loving peoples around, we condemn all forms of political violence. The voice of the people must always remain supreme,” ani Marcos.

Sinabi rin ni Marcos na dapat manaig ang boses ng nakararami at huwag hayaang mangibabaw ang kagustuhan ng iilan.

Nagpasalamat si Marcos na maayos na ang kalaga­yan ni Trump matapos ang tangkang asasinasyon sa kanya kung saan tinamaan ng bala ng baril ang isa niyang tainga.

Sa inilabas na pahayag ng tagapagsalita ni Trump na si Steven Cheung, sinabi nito na maayos na ang kon­disyon ng dating Presidente at pinasalamatan ang mga otoridad at mga naunang nagresponde sa kanyang tangkang asasinasyon.

Ayon sa ulat, napatay ng Secret Service sniper ang gunman sa Trump rally.

vuukle comment

DONALD TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with