^

Bansa

60 baboy positibo sa ASF, nasabat sa checkpoint

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang delivery truck na naglalaman ng 60 baboy na nagpositibo sa African Swine Fever at ihahatid sa Bulacan ang naharang sa isang checkpoint sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay Col. Satur Ediong, acting Bulacan police director, sinabing ang Isuzu forward truck na may plakang XRS442 ay minamaneho ni Jonathan dela Cruz kasama si Aurelio Bueno helper ay naharang bandang alas-8:30 ng gabi sa lugar ng inspeksyon ng mga hayop, manok at karne sa Tandang Sora, Quezon City.

Napag-alaman na ang mga baboy ay nagmula sa Sariaya, Quezon at ihahatid sa Bulacan.

Ang mga baboy ay ki­natay at dinala sa Provincial Engineering Office sa Barangay Tabang sa Guiguinto, Bulacan kung saan ang mga ito ay itatapon at ililibing.

Sa kabilang banda, nag­labas ng advisory si Bula­can Gov. Daniel Fernando na ang pamahalaang pan­lalawigan ng Bulacan ay mahigpit na nakikipag-ug­nayan sa Department of Agriculture upang maiwa­san ang pagkalat ng sakit sa baboy sa lalawigan at upang matiyak na ang mga produktong baboy sa lokal na pamilihan ay ligtas kainin.

Umapela rin ang go­ber­nador sa mga hog raisers sa Bulacan na sundin ang tamang protocol at guidelines sa pagprotekta sa hog industry ng lalawigan at agad na i-report sa mga kinauukulang ahensya kung may nakitang sintomas ng sakit sa kanilang mga loka­lidad.

Kinumpirma naman ni Dr. Voltaire Basinang, provincial veterinarian ng Bulacan na ang huling insidente ng ASF ay nakita sa bayan ng Bocaue noong Hulyo 11 ng taong ito at ito ang tanging bayan na nasa ilalim ng kategoryang red zone para sa sakit sa probinsya.

vuukle comment

ASF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with