^

Bansa

Internet voting sa PWDs, bedridden isinusulong ng Comelec

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na maipatutupad ang online voting sa bansa upang magamit ang karapatan sa pagboto ng persons deprived of liberty (PWDs).

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, na kung darating ang pa­nahon na maipatupad ang internet voting sa buong bansa, hindi lamang ang mga PWDs, kungdi pati senior citizen, at ang mga hindi na kayang maglakad o bedridden, ang magagawang bumoto.

“We hope for that time to come when internet voting becomes possible in the country. We are looking forward to that since this will be a very big help to our senior citizens, the PWDs including those who are bedridden,” ani Garcia sa panayam ng mga mamamahayag sa Lucena, Quezon nitong Sabado.

“Unfortunately, walang SPA (special power of attorney) na pwedeng i-apply diyan. Dapat personal ang pagboto,” paliwanag ni Garcia, kaya wala pang paraan para makaboto ang bedridden.

Sa 2025 midterm elections, ipatutupad ang internet voting ng overseas Filipino workers (OFWs).

“Wala pa tayong (online voting) sa bansa. Unfortunately, ‘yung mga hindi makalakad, ‘yung mga nakaratay, baka hindi makaboto sa araw ng eleksyon,” ani Garcia.

Idinagdag niya na kung sa wakas ay ipapatupad ang online voting sa bansa, ang mga hindi makapunta sa mga polling center ay magagamit na nila ang kanilang karapatang bumoto.

“Pagdating ng panahon na iyon kahit ang nakaratay ay makakaboto. Tandaan, habang buhay ang Pilipino, may karapatang bumoto ang taong iyon,” ani Garcia.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with