^

Bansa

Pamamahagi ng bakuna vs ASF sisimulan sa Martes

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pamamahagi ng bakuna vs ASF sisimulan sa Martes
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, inaasahan na sa Martes ay maipapamahagi na ang bakuna laban sa ASF para mapigilan pa ang pagkalat ng nasabing sakit sa mga apektadong bayan ng Batangas.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Target ng Department of Agriculture (DA) na maipamahagi sa susunod na linggo ang bakuna laban sa African Swine Fever.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, inaasahan na sa Martes ay maipapamahagi na ang bakuna laban sa ASF para mapigilan pa ang pagkalat ng nasabing sakit sa mga apektadong bayan ng Batangas.

Dagdag pa ng kalihim masuwerteng nakapag-donate ang supplier ng 2,000 doses at darating ito ngayong Biyernes kaya posibleng sa Martes ay maumpisahan na ang pagbabakuna.

Matatandaan na walong munisipalidad sa Batangas ang nagdeklara ng state of emergency kabilang dito ang Lobo, Lian, Calatagan, Rosario, Lipa, Ta­lisay, San Juan at Tuy.

Tiniyak naman ni Laurel sa publiko na ginagawa nila ang lahat para makontrol ang pagkalat ng ASF sa bansa at isa sa kanilang hakbang ay ang paglalagay ng checkpoint o inspections stations na itatalaga sa mga apektadong lugar.

Patuloy rin aniyang pinapalakas ang mga laboratoryo at research ng bansa para makagawa ng lokal na bakuna laban sa ASF sa hinaharap.

vuukle comment

ASF

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with