^

Bansa

Mga OIC, CES sa Ehekutibo mananatili sa puwesto

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mananatili sa puwesto ang mga opisyal at kawani ng gobyerno sa ilalim ng ehekutibo.

Ito ay matapos na mag-isyu ng Memorandum Circular No. 12 ang Palasyo na pirmado ni Executive Sec. Lucas Bersamin kung saan pinahintulutan ang pagpapatuloy ng trabaho at tungkulin ng Officers-in-Charge (OICs) at Career Executive Service (CES).

Ito ay para matiyak umano na walang-tigil ang operasyon sa gobyerno, habang isinusulong ang kakayahan, merito at kaangkupan sa pagpili at paghirang ng mga opisyal at tauhan ng mga kagawaran, ahensya, kawanihan at opisina sa Executive Branch.

Sa ilalim ng circular, ang OICs, kasama ang Non-Career Executive Service Officials na nakaupo sa CES positions ay magiging tuluy-tuloy ang trabaho hangga’t may maitalaga sa posisyon o kapalit at maliban na lamang kung tinanggal, alinsunod sa mga kailangan at requirement sa kani-kanilang departamento, opisina at katulad.

Nakasaad pa sa circular na ang CES eligibles na nasa CES positions kabilang ang on-stream candidates para sa CES eligibility ay mananatili sa trabaho, maliban na lamang kung reappointed o papalitan, o kung ang successors ay appointed o designated.

Iginiit naman sa circular, na ang lahat ng opisyal at empleyado na sakop nito ay dapat sumunod sa “high standard of ethics” sa public service at gawin ang trabaho nang may lubos na responsibilidad, integridad, kakayahan at pagkamakabayan.

Matatandaan na sa Memo Circular No. 7, hanggang Dec. 31, 2022 na lamang dapat sa serbisyo ang mga opisyal at kawani ng Office of the President na co-terminus sa dating appointing authority.

CES

OIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with