Abalos, isinusulong Panay- Guimaras-Negros Bridge Project
MANILA, Philippines — Sa kanyang pagbisita sa Iloilo City para sa ikalawang yugto ng kampanya ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, binigyan diin ni senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang kahalagahan ng Panay-Guimaras-Negros Bridge Project upang mapalakas hindi lamang ang turismo kundi pati na rin ang iba pang aktibidad pang-ekonomiya sa rehiyon.
“Isa pa sa nakikita kong napakahalagang proyekto dito sa Western Visayas ay ang island interconnectivity. Napaka-importante po nyan dahil it will spell growth and development hindi lang sa Iloilo kundi sa mga kapitbahay ninyo dito sa rehiyon,” ani Abalos
Matagal nang iminungkahi ang Panay-Guimaras-Negros Bridge Project upang mapalakas ang turismo at ekonomiya sa Western Visayas. Kapag natapos, aabutin na lamang ng 1 oras ang biyahe sa pagitan ng Panay, Guimaras, at Negros mula sa dating 3-4 oras.
“Napakaganda ng proyektong ito dahil it will shorten the travel time and facilitate the movement of people, of tourists and goods within the region,” dagdag pa ni Abalos.
- Latest