Yaman, negosyo ng public officials at pamilya dapat ideklara - Tulfo
MANILA, Philippines — Dapat ideklara ng lahat ng opisyal ng gobyerno, appointed man o elected, ang lahat ng kayamanan nila at mga negosyo ng kanyang pamilya upang maging “transparent” ang kanilang pagseserbisyo sa pamahalaan at mga Pilipino.
Ito ang naging pahayag ni ACT-CIS Partylist Representative at kandidato ng “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas” sa pagka-Senador Erwin Tulfo, nang tanungin sa isang press conference hinggil sa tanong kung papaano matitiyak ng taumbayan na malinis at walang bahid ng korapsyon ang isang nakaupong opisyal.
“Dapat ideklara ng bawat opisyal sa gobyerno kung saan nanggaling ang kanilang yaman at kung sakaling lumaki ito, ano ang dahilan bakit lumaki ang kayamanan nito habang nasa puwesto,” ani Tulfo.
Anya, dapat ideklara ng mga opisyal kung saan nanggaling ang pinambili ng mansyon o mamahaling sasakyan, maging ng mga simpleng gamit tulad ng mga alahas.
Pati mga naitayong negosyo ng pamilya ng opisyal ay ideklara rin at ipaliwanag kung saan nanggaling ang kapital para sa mga ito.
“Kung hindi maipaliwanag ng isang public official kung saan galing ang pagdami ng pera at kayamanan habang nakaupo, red flag ‘yun at dapat imbestigahan ng Ombudsman,” pahabol ni Tulfo.
- Latest