Tigilan na paninira sa ayuda program - solon
MANILA, Philippines — Inihayag ni Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez ng Quezon na tama na ang paninira at makinig sa sambayanang Pilipino tungkol sa benepisyo ng ayuda program.
Tinukoy ni Suarez ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia surveys, kung saan 80-90 porsiyento ng mga Pilipino ang kumikilala sa benepisyo ng social welfare programs gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at Walang Gutom Program.
Binigyang-diin niya na ang Kamara, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ay nananatiling matatag sa pagtiyak na magpapatuloy ang mga programang ito sa kabila ng pagtutol ng ilang sektor. Hindi rin aniya tama at hindi patas na sabihin na ginagawang dependent sa gobyerno ang mga binibigyan ng ayuda.
Hinimok ni Suarez ang mga kritiko na iwaksi ang pagkakawatak-watak at sa halip ay ituon sa paghahanap ng solusyon ang kanilang oras para makatulong sa pagpapa-angat ng buhay ng mga Pilipino.
- Latest