^

Bansa

Bam pasok sa senatorial survey

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pasok si Bam Aquino sa pinakabagong survey ng Social Pulse Philippines sa pagka-senador sa darating na halalan sa Mayo.

Nasa ika-12 posisyon si Aquino sa survey para sa Pebrero na ginawa ng SPP mula Enero 26 hanggang Pebrero 8 at nilahukan ng 1,000 katao.

Sumali sa survey na ginamitan ng face-to-face interviews ang tig-300 katao mula Metro Manila, Balance Luzon, at Visayas habang 100 katao ang nakilahok sa Mindanao.

Nasa ika-12 puwesto rin si Bam sa survey ng SPP para sa buwan ng Enero. Bukod sa SPP, pasok din si Bam sa survey ng Pinasurvey noong Disyembre, kung saan tabla siya para sa pang-anim hanggang pang-13 puwesto Kabilang din si Aquino sa Magic 12 ng mga nakalipas na survey ng Publicus Asia at Tangere.

“Naniniwala kami na gaya rin nang dati, gaya noong 2022, nagsimula noong kampanya, pasimula pa lang but by the end of the campaign nayanig iyong buong pundasyon ng politika sa Pilipinas” sabi ni Aquino habang tinutukoy ang kampanya ni Leni Robredo noong 2022.

Bitbit ni Aquino sa kanyang pagtakbo ang platapormang palawakin ang Free College Law para maabot ang mas maraming estudyante at matiyak na nakukuha nila ang subsidy para sa iba pang gastusin sa paaralan na nakapaloob sa batas.

Isinusulong din niya ang siguradong trabaho para sa mga Pilipino.

BAM AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with