^

Bansa

Gov't officials hinamon mabuhay sa P71/araw dahil sa hirit ng NEDA, PSA

James Relativo - Philstar.com
Gov't officials hinamon mabuhay sa P71/araw dahil sa hirit ng NEDA, PSA
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang sabihin ng Philippine Statistics Authority at National Economic and Development Authority na P7,528 lang ang kailangan ng pamilyang may limang miyembro para mapakain sila sa isang buwan.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Hinamon ng ilang mambabatas ang mga opisyal ng gobyerno na subukang mabuhay sa P71 kada araw dahil sa aniya'y 'di lapat sa lupang pagtataya ng perang kinakailangan ng pamilyang Pilipino para mabuhay.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang sabihin ng Philippine Statistics Authority at National Economic and Development Authority na P7,528 lang ang kailangan ng pamilyang may limang miyembro para mapakain sila sa isang buwan.

Kung isasama raw ang non-food items, P10,727 lang daw ito sabi ng gobyerno, na sa pananaw ng ilang militante ay kulang na kulang.

"Subukan kayang mabuhay ng mga economic managers ng P71/ araw. Hirap na hirap na ang mamamayan sa taas ng bilihin, mataas na buwis, at baba ng sahod tapos ilalabas pa ang ganitong pahayag na nakakainsulto sa mamayan," sabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa isang pahayag.

Aniya, nakakadismaya na nakapagpasa ng P4.1 trilyong budget para sa 2020 ngunit "iniipit" naman daw ang mamamayan sa mababang paggastos para bigyang katwiran ang 'di pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor.

Nangyayari ang lahat ng ito kasabay ng pagtaas ng inflation rate noong Nobyembre, pagtaas ng presyo ng galunggong sa mahigit P300 kada kilo at pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion.

"Dapat talagang itaas na ang sahod ng mga manggagawa at madaliin ang pagpasa ng House Bill 246 o P750 national minimum wage at House Bill 247 o ang P16k minimum salary for government employees," sabi pa ni Zarate.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission, kasalukuyang nakapako ang minimum wage ng mga manggagawa sa P500 hanggang P537 sa National Capital Region, na pinakamataas minimum na pasahod sa bansa.

Matatandaang ipinagtanggol ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ang nasabing budget, at sinabing maraming Pilipino ang nabubuhay sa ganoong halaga ng pera.

"Ang tawag diyan ay batayang pangangailangan, kaya 'no frills.' Walang en grandeng items diyan... Sigurado akong maraming pamilya ang nabubuhay sa ganyang budget," ani Pernia.

Una nang sinabi ng PSA na nasa 5.2% lang daw ang bahagi ng populasyong Pilipino na hindi matugunan kahit ang pangangailangan sa pagkain, habang 800,000 pamilya naman daw ang "food poor."

BAYAN MUNA

BUDGET

FOOD POOR

NEDA

POVERTY

PSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with